Sunday, February 19, 2006

Sa bukid may papel naman pala...

Minsan masaya rin pala na makita mo ang kasimplehan ng buhay sa probinsya. Minsan maiinggit ka sa mga taong namumuhay dun. Wala kang bakas ng problema na makikita sa kanilang mga mukha. Parang walang mayaman, walang mahirap. Pantay pantay ang tingin sa isa't isa. Hindi minamaltrato. Hindi ka babastusin. Hindi ka sinisiraan. Yun nga lang mahaba ang oras. Talagang mapapagisip ka ng mga bagay bagay. Kaya siguro ganito takbo ng utak ko ngayon.

No comments: